Filipino Part 3

LearnME
0


1. Sino ang may-akda ng maikling kwento na “Kwento ni Mabuti”?

A. Estrella Alfon 

C. Genoveva Matute 

B. Deogracias Rosario 

D. Lualhati Bautista 


2. Aling salita ang may klaster? 

A. bulsa 

C. trabaho 

B. bistado 

D. kahoy 


3. “Ikaw ay may pusong bato”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito. 

A. payak 

C. karaniwan 

B. tambalan 

D. di-karaniwan 


4. Aling salita ang may diptonggo?

A. buwal 

C. patay 

B. bayan 

D. iwas 


5. Siya ang may-akda ng maikling kwento na “Uhaw ang Tigang na Lupa”. 

A. Liwayway Arceo 

C. Genoveva Matute 

B. Lualhati Bautista 

D. Estrella Alfon 


6. “Hindi ko kaya ang mabuhay sa mundo kung mawawala ka sa piling ko.” Ang nasa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay? 

A. Pagtutulad 

C. Pagwawangis 

B. Pagmamalabis 

D. Pagsasatao 


7. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram? 

A. g 

C.q 

B. k 

D. ng 


8. Ikinalulungkot ko ang mga kalamidad na dumating sa Pilipinas sa taong ito. Ang kaganapan ng pandiwang nakasalangguhit sa pangungusap ay ______. 

A. ganapan 

C. tagaganap 

B. sanhi 

D. tagatanggap 


9. Si Janeth Napolesya ay naglulubid ng buhangin. Ang pariralang “naglulubid ng buhangin” ay nagsasaad ng anong antas ng wika? 

A. kolokyal 

C. balbal 

B. pambansa 

D. pampanitikan 


10. Ang Alibata ay hango sa alpabetong Arabo na “alif-ba-ta”. Ito ay may 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig. Ano ang ibang tawag sa alibata? 

A. Baybayin 

C. Diona 

B. Cuneiform 

D. Abecedario 


11. Sino si Herninia dela Riva sa tunay na buhay? 

A. Ildefonso Santos 

C. Alejandro Abadilla 

B. Amado Hernandez 

D. Teodor Gener 


12. Alin sa mga sumusunod na akda ni Aurelio Tolentino ang siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong? 

A. Luhang Tagalog 

C. Bagong Kristo 

B. Kahapon, Ngayon at Bukas 

D. Manood Kayo 


13. Siya ang may-akda ng “Ninay”. 

A. Pedro Paterno 

C. Jomapa 

B. Emilio Jacinto 

D. Isabelo delos Reyes 


14. Alin sa mga sumusunod ay HINDI uri ng pangungusap ayon sa gamit? 

A. padamdam 

C. pautos 

B. langkapan 

D. patanong 


15. Sino ang may-akda ng nobelang Banaag at Sikat? 

A. Jose dela Cruz 

C. Jose Corazon de Jesus 

B. Lope K. Santos 

D. Emilio Jacinto 


16. Isang Pilipinong manunulat na may sagisag panulat na Dimas-ilaw. 

A. Jose dela Cruz 

C. Jose Corazon de Jesus 

B. Anotonio Luna 

D. Emilio Jacinto 


17. May sagisag panulat na Paralitiko at ang tinaguriang “Utak ng Himagsikan”. 

A. Emilio Jacinto 

C. Jose Corazon de Jesus 

B. Anotonio Luna 

D. Apolinario Mabini 


18. Isang satirikong bersyon ni Del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriguez na may ganito ring pamagat. 

A. Caiingat Cayo 

C. Fray Botod 

B. Dasalan at Tocsohan 

D. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas 


19. “Meron akong nalalaman. ‘Di ko sasabihin sa iyo.” Nasa anong antas ng wika ang mga salitang nakasalangguhit? 

A. kolokyal 

C. pampanitikan 

B. balbal 

D. lalawiganin 


20. Ito ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino. 

A. Alibata 

C. Diona 

B. Cuneiform 

D. Abecedario 


21. Ano ang tamang salin sa idyomang “You are the apple of my eye”? 

A. masayahin ka pala 

C. katuwa-tuwa ka 

B. ikaw ay mahalaga sa akin 

D. mansanas ang paborito ko 


22. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang sabaw, giliw, damay, reyna? 

A. ponema 

C. diptonggo 

B. klaster 

D. pares minimal 


23. Ano ang tawag sa uri ng wika na nailikha sa pamamagitan ng pagpapaikli o pagsasama-sama ng mga salitang impormal at binigyan ng buong kahulugan? 

A. kolokyal 

C. panlalawigan 

B. lokal 

D. pampanitikan 


24. Ano ang tawag sa bantas na sinisimbolo ng sunod-sunod na tatlong tuldok para ipakita na may mga bahaging hindi na sinipi sa isang talata? 

A. synopsis 

C. sintesis 

B. Ellipsis 

D. abstrak 


25. “May pag-asa.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa? 

A. Temporal 

C. Penomenal 

B. Eksistensyal 

D. Modal 


26. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos? 

A. Kabanata V 

C. Kabanata III 

B. Kabanata IV 

D. Kabanata II 


27. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang salik sa pagtatalumpati MALIBAN sa ____. 

A. okasyon 

C. tagapakinig 

B. pagyayabang 

D. paksa 


28. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pagpapalitan ng kaisipan, opinyon o salaysay gamit ang mga simbolo o sagisag. 

A. pakikinig 

C. talastasan 

B. pagtuklas 

D. paglalahad 


29. Anong bahagi ng pahayagan ang nagpapakita ng opinyon ng buong pahayagan hinggil sa isang napapanahong balita? 

A. editoryal 

C. pahayag ng tagapayo 

B. kolum 

D. abstrak 


30. Isang Pilipinong manunulat na tinaguriang “Utak ng Katipunan”. 

A. Jose dela Cruz 

C. Jose Corazon de Jesus 

B. Anotonio Luna 

D. Emilio Jacinto 


31. Anong bantas ang siyang ginagamit sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri? 

A. kuwit 

C. gitling 

B. tuldok-kuwit 

D. tutuldok 


32. Ano ang wastong pagpapakahulugan sa idyomang “My bank account is in the red”? 

A. nakapa-ipon 

C. nanakawan nang pera 

B. malapit nang maubos 

D. bale-wala 


33. Sa panitikan, ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng isang tula? 

A. sukat 

C. talinghaga 

B. saknong 

D. tugma 


34. Ito ay tumutukoy sa instrumento ng komunikasyon na siyang ginagamit sa pakikipagtalastasan, ugnayan at pagpapalitan ng kaisipan. 

A. tunog 

C. bokabolaryo 

B. wika 

D. sining 


35. Isang barayti ng wika na tumutukoy sa wikang nalilikha batay sa dimensyong heograpiko. 

A. Etnolek 

C. Sosyolek 

B. Ekolek 

D. Dayalekto 


36. Sa komunikasyon na pasulat, alin sa mga sumusunod ang nararapat na isaalang-alang? 

A. Lakas ng boses 

C. Maliksing mga mata 

B. Maayos na pagpapalugit 

D. Pagkibit ng balikat 


37. Ano ang tamang pagpapakahulugan sa idyomang “The present problem is only a storm in a teacup”? 

A. bale-wala 

C. may galit 

B. buong puso 

D. matagumpay 


38. Anong sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng wastong baybay ng mga salita? 

A. Ortograpiya 

C. Semantika 

B. Morpolohiya 

D. Sintaks 


39. Anong pagbabagong morpoponemiko ang ginamit sa mga sumusunod na salita: NIYAKAP, NILIGAW, NILIPAD? 

A. Reduksyon 

C. Pagpapalit 

B. Metatesis 

D. Asimilasyon 


40. Isa sa pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles at kilala sa kanyang sagisag panulat na “Doveglion”. 

A. Jose Garcia Villa 

C. Alejandro Abadilla 

B. N.V.M. Gonzalez 

D. Zulueta de Costa 


41. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa mga sumusunod na salita: TAKPAN, DALHAN, BUKSAN. 

A. Pagkakaltas 

C. Pagpapalit 

B. Metatesis 

D. Asimilasyon 


42. Ano ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: PINAGSUMIKAPAN,SANSINUKUBAN? 

A. hulapi 

C. kabilaan 

B. tambalan 

D. laguhan 


43. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI kabilang sa pangkat? 

A. klaster 

C. diptonggo 

B. diin 

D. pares minimal 


44. Ibigay ang uri ng tayutay ang pinapakita sa pahayag na: “Pag-ibig, huwag mo akong talikuran”. 

A. Pagmamalabis 

C. Palit-tawag 

B. Pagtawag 

D. Palit-saklaw 


45. Ang tono, diin at antala ay mga halimbawa ng ______. 

A. ponemang segmental 

C. ponemang suprasegmental 

B. morpemang segmental 

D. morpemang suprasegmental 


46. TILA imposible na magkatotoo ang iyong mga pangarap. Nasa anong uri ng pang-abay ang bahaging may malalaking titik? 

A. Pang-abay na Pamaraan 

C. Pang-abay na Pang-agam 

B. Pang-abay na Panlunan 

D. Pang-abay na Kondisyunal 


47. Ano ang uri ng tayutay ang ginamit sa pahayag na nasa ibaba? “Kapalaran, kumampi ka naman sa akin!” 

A. Pagmamalabis 

C. Palit-tawag 

B. Pagtawag 

D. Palit-saklaw 


48. KUNG matapos mo ito nang maaga, may premyo ka mula sa akin. Nasa anong uri ng pangabay ang bahaging may malalaking titik? 

A. Pang-abay na Pamaraan 

C. Pang-abay na Pang-agam 

B. Pang-abay na Panlunan 

D. Pang-abay na Kondisyunal 


49. Ang mga salitang “dukha, daga, pasa” ay mga halimbawa ng mga salitang binibigkas ng _____. 

A. Malumi 

C. Malumanay 

B. Maragsa 

D. Mabilis 


50. Anim na malalaking mangga ang ibinigay niya sa akin. Anong uri ng pang uring pamilang ang sinalangguhitang salita? 

A. Patakaran 

C. Pamahagi 

B. Panunuran 

D. Pamatlig 


51. Hindi totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG ANG BUNTOT niya sa harap ng paghihirap. 

A. Matapang 

B. Matiyaga 

C. Duwag 

D. Malakas ang loob 


52. NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar. 

A. Lumayas 

B. Nagtampo 

C. Nagtago 

D. Nagmaktol 


53. Ang ________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon. 

A. Pakiusapan 

B. Pakikipag-usap 

C. Ipakiusap 

D. Pakiusap 


54. Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa kusina.” 

A. Utusan 

B. Kunin 

C. Kunan 

D. Hanapan 


55. Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano ang kahulugan ng salita na nasa malalaking letra? 

A. Kaingayan 

B. Kapayapaan 

C. Lakas ng hangin 

D. Katahimikan 


56. Ang sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan ng salitang nasa malalaking letra ay: 

A. Ika-50 taon 

B. Panghabang panahon 

C. Ikasandaang taon 

D. Ika- 25 taon 


57. “Ang sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.” Ang ibig sabihin nito ay? 

A. Ang lakas ng tao ay nasa pagkakaisa nila. 

B. Kailangan magkaisa tayong lahat. 

C. Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa. 

D. Nagkakaisa ang mga tao. 


58. MALIIT ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig sabihin nito? 

A. Walang pasensya 

B. Walang pagtitimpi 

C. Walang galang 

D. Walang lakas ng loob 


59. Siya’y isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang ___________________ 

A. Imbentor 

B. Manunulat 

C. Dalubhasa 

D. Pintor 


60. Anong hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon. 

A. Court of Appeals-manglilitis 

B. Sandigan Bayan-naglilitis 

C. Korte Suprema-maglilitis 

D. Ombudsman-tagapaglitis 


61. _________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan. 

A. Usap-usapan 

B. Usapin 

C. Ipakiusap 

D. Pakiusap 


62. “Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9) Ano ang kahulugan ng sanlibutan? 

A. Mga israelita lamang 

B. Apostoles 

C. Dukha 

D. Katauhan 


63. Ano ang pangungusap na dapat mauna? 

I. Ngunit ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.

II. Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao. 

III. Sa mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon. 

IV. Kahit sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo. V. Upang maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala ng iba. 


A. I. 

B. II 

C. III 

D. IV 


64. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang pala-palagay? 

A. Opinyon. 

B. Kuru-kuro 

C. Paniniwala 

D. Akala 


65. May pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong basurahan. Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola, aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin itong maging pataba sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa? 

A. Informative 

B. Argumentative

C. Prosijural 

D. Narativ 


66. ____________ magtrabaho sina Fred at Jose. 

A. Magkasinbilis 

B. Magkasingbilis 

C. Napabilis 

D. Magkasimbilis 


67. Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw. 

A. kung saan 

B. noong 

C. ng 

D. nang 


68. Upang lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad sa bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng pamahalaan. 

A. marangal 

B. mabisa 

C. tanyag 

D. malinaw 


69. Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________ sa masamang bisyo. 

A. nababalisa 

B. nalalayo 

C. nabubuyo 

D. nababalot 


70. ________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay. 

A. Nalagyan 

B. Nilagyan 

C. Inilagay 

D. Naglagay

Post a Comment

0Comments
Post a Comment (0)