1. Ito ay isang sangay ng linggwistika na sumasaklaw sa pag-aaral ng kayarian o istruktura ng salita.
A. Ortograpiya
B. Morpolohiya
C. Semantika
D. Sintaks
2. “Lumilindol.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
A. Temporal
B. Eksistensyal
C. Penomenal
D. Modal
3. Ibigay ang panlapi na ginamit sa mga sumusunod na salita: kaligayahan, pagmamahalan, pagkatiwalaan.
A. hulapi
B. tambalan
C. kabilaan
D. laguhan
4. Anong bantas ang siyang inilalagay sa pagitan ng unlaping “ika” at “tambilang”?
A. tuldok
B. panaklong
C. kuwit
D. gitling
5. Ayon kay Gleason, ang wika ay pinagkakasunduan ng isang lahi at kaya naman ay naunawaan ng lahat ng kasapi ng lahi.
A. masistema
B. dinamiko
C. likas
D. arbitraryo
6. Isang akda ni Padre Modesto de Castro na binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid.
A. Urbana at Feliza
B. Barlaan at Josaphat
C. Dasalan at Tocsohan
D. Indarapatra at Sulayman
7. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?
A. Bow-wow
B. Pooh-pooh
C. Ding-dong
D. Yoheho
8. “Nahulog ang bata!” Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pangungusap na ito?
A. padamdam
B. pasalaysay
C. payak
D. tambalan
9. Sa ponemang segmental, ano ang tinataglay ng mga salitang galaw, baliw, lamay, kahoy?
A. ponema
B. klaster
C. diptonggo
D. pares minimal
10. Sa kasaysayan ng ating panitikan, ang kinikilalang Gintong Panahon ng Panitikan ng Pilipinas ay ang panahon ng ______.
A. Amerikano
B. Hapones
C. Kastila
D. Kontemporaryo
11. Alin sa mga sumusunod ay sadyang isinulat upang ibigkas sa harap ng madla?
A. anekdota
B. pabula
C. talambuhay
D. talumpati
12. Kararating lang ni tatay mula sa trabaho. Ano ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap?
A. pangnagdaan
B. pangkasalukuyan
C. panghinaharap
D. katatapos
13. Anong titulo sa panitikan ng Pilipinas ang ibinigay sa manunulat ng akdang pinamagatang “Isang Dipang Langit”?
A. Makata ng Pag-ibig
B. Makata ng Manggagawa
C. Makata ng Masa
D. Ama ng Wikang Pambansa
14. Siya ay kilala bilang ang “dakilang mananalumpati” ng kilusang propaganda.
A. Graciano Lopez Jaena
B. Jose Rizal
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Gregorio Del Pilar
15. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang mga kaugnay na pag aaral at literatura?
A. Kabanata I
B. Kabanata II
C. Kabanata III
D. Kabanata IV
16. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian.
A. epiko
B. pabula
C. parabula
D. dalit
17.Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Mindanao?
A. Bantugan
B. Bidasari
C. Maragtas
D. Indarapatra at Sulayman
18. Sino ang may-akda ng Fray Botod?
A. Jose Garcia Villa
B. Graciano Lopez Jaena
C. Marcelo del Pilar
D. Jose Rizal
19. Isang Pilipinong manunulat na tanyag sa kanyang sagisag-panulat na Dimasilaw.
A. Jose dela Cruz
B. Anotonio Luna
C. Jose Corazon de Jesus
D. Emilio Jacinto
20. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.
A. Moro-moro
B. Epiko
C. Awit
D. Korido
21. Ang salitang “parak” ay nasa anong antas ng wika?
A. Jargon
B. Pidgin
C. Kolokyal
D. Balbal
22. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang HINDI tahas ?
A. pagkain
B. gamot
C. lapis
D. pag-asa
23. Alin sa mga sumusunod ay isang pangngalang palansak?
A. pag-ibig
B. Jose
C. bahay-kubo
D. buwig
24. Ang “pangarap” ay isang pangngalang _____.
A. pantangi
B. palansak
C. tahas
D. basal
25. Hangarin nitong makapagbigay nang wasto at epektibong pakikipag-ugnayan gamit ang mga sagisag pangwika?
A. talastasan
B. bokabularyo
C. talasanggunian
D. linggwistika
26. Nasa anong antas ng wika kabilang ang mga salitang tulad ng NASAN at PA’NO?
A. Pabalbal
B. Kolokyal
C. Panretorika
D. Pampanitikan
27. Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?
A. Jargon
B. Pidgin
C. Kolokyal
D. Balbal
28. Ang salitang “bana” ay halimbawa ng anong antas ng wika?
A. Sosyolek
B. Pabalbal
C. Lalawiganin
D. Idyolek
29.Anong uri ng pangungusap ang “Magandang araw po”?
A. Temporal
B. Pormulasyong Panlipunan
C. Sambitla
D. Pamanahon
30. Ito ay isang uri ng morpema ayon sa kahulugan na may kahulugan sa ganang sarili. Ito ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin itong kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang morpema.
A. Morpemang Leksikal
B. Di-malayang Morpema
C. Malayang Morpema
D. Morpemang Pangkayarian
31. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa tamang pagsasaayos ng mga salita para makabuo ng isang pangungusap na nagsasaad ng buong diwa?
A. Ortograpiya
B. Morpolohiya
C. Semantika
D. Sintaks
32. “Maraming Salamat.” Ito ay anong uri ng pangungusap?
A. Temporal
B. Pormulasyong Panlipunan
C. Sambitla
D. Pamanahon
33. Isang dulog pampanitikan na kilala sa katawagan na reader-response theory.
A. impresionista
B. patalambuhay
C. antropolohiya
D. pansikolohiya
34. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang talumpati na kung saan maagang ipinaalam ang mga kalahok tungkol sa ano ang paksa ng talumpati?
A. may kahandaan
B. biglaang talumpati
C. impromptu
D. di-handa
35. Anong bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos, galaw at pangyayari?
A. pangngalan
B. panghalip
C. pang-uri
D. pandiwa
36. Si Ana ay mabagal na naglakad papunta sa altar. Anong bahagi ng pananalita ang sinalangguhitang salita?
A. pang-ukol
B. pang-abay
C. pang-uri
D. pandiwa
37. Si Fe ay masaya sa kanyang kaarawan. Ang salitang “masaya” ay isang ______.
A. pang-ukol
B. pang-abay
C. pang-uri
D. pandiwa
38. Si Fe ay masayang naghihintay sa kanyang ina. Paano ginamit ang salitang sinalangguhitan sa pangungusap?
A. pang-ukol
B. pang-abay
C. pang-uri
D. pandiwa
39. “Tanghali na.” Anong uri ito ng pangungusap na walang tiyak na paksa?
A. Temporal
B. Eksistensyal
C. Penomenal
D. Modal
40. Anong sangay ng linggwistika ang nakatuon sa pag-aaral ng kahulugan ng tunog o ponema?
A. Ortograpiya
B. Morpolohiya
C. Semantika
D. Ponolohiya
41. Sa pananaliksik, saang kabanata matatagpuan ang tungkol sa suliranin at ang kaligiran nito?
A. Kabanata I
B. Kabanata II
C. Kabanata III
D. Kabanata IV
42. Aling salita ang may diptonggo?
A. bawal
B. sibuyas
C. bahay
D. lahat ng nabanggit
43. Siya ay kilala sa kanyang sagisag- panulat na Huseng Sisiw.
A. Julian Cruz Balmaceda
B. Jose Corazon de Jesus
C. Florentino Collantes
D. Jose dela Cruz
44. Ano ang pamagat ng ating pambansang awit?
A. Bayang Magiliw
B. Perlas ng Silanganan
C. Alab ng Puso
D. Lupang Hinirang
45. Nagpupuyos sa galit ang kanyang ina nang malaman nito ang pagbubulakbol sa klase.
A. inis na inis sa galit
B. nagbubuhos ng galit
C. nagngingitngit sa galit
D. kinikimkim ng galit
46. “Kumakain ng prutas si Jherame”. Ibigay ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap.
A. ganapan
B. sanhi
C. tagaganap
D. tagatanggap
47. Hayun ang mga bata na masayang naglalaro. Ang salitang hayun ay isang _______.
A. pang-abay
B. pang-angkop
C. pangngalan
D. panghalip
48. “Pinagbakasyunan nina Jhera at Tonton ang Camotes”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
A. ganapan
B. sanhi
C. tagaganap
D. tagatanggap
49. Alin sa mga salita sa ibaba ang nasa kayariang KPPKKPKPKP?
A. kasaysayan
B. heograpiya
C. katapangan
D. klastering
50. “Ipinagluto ng kanyang asawa si Jestoni”. Ano ang pokus ng pandiwa na nasa pangungusap?
A. ganapan
B. sanhi
C. tagaganap
D. tagatanggap
51. Sino ang may-akda ng Dasalan at Tocsohan?
A. Graciano Lopez Jaena
B. N.V.M. Gonzalez
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar
52. Isang tanyag na Pilipinong manunulat na may sagisag-panulat na “Agap-ito Bagumbayan”.
A. Graciano Lopez Jaena
B. N.V.M. Gonzalez
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar
53. Isang awiting bayan na tungkol sa pakikipagkaibigan.
A. sambotani
B. salagintok
C. daeleng
D. oyayi
54. Sino si Dolores Manapat?
A. Graciano Lopez Jaena
B. N.V.M. Gonzalez
C. Andres Bonifacio
D. Marcelo H. del Pilar
55. Isang tulang romansa na kung saan ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural at kaya naman ito ay hindi kapani-paniwala.
A. oda
B. korido
C. soneto
D. elehiya
56. Ito ay isang tulang patnigan at hango sa isang alamat ng isang dalagang naghulog ng singsing sa dagat at ang sinumang binatang makakakita nito ay siyang pakakasalan ng dalaga.
A. panubong
B. karagatan
C. elehiya
D. oda
57. Sino ang may akda ng awiting ang “Bayan Ko”?
A. Constancio De Guzman
B. Jose Corazon de Jesus
C. Dolores Manapat
D. Jomapa
58. Isang manunulat sa panahon ng Amerikano na nagging tanyag sa kanyang tulang “Ang Guryon”.
A. Ildefonso Santos
B. Amado Hernandez
C. Alejandro Abadilla
D. Teodor Gener
59. Siya ang “Ama ng Maikling Kwento sa Pilipinas”.
A. Jose Garcia Villa
B. Deogracias Rosario
C. Aurelio Tolentino
D. Zulueta de Costa
60. Isang dula na sumikat nang humina ang zarzuela sa Pilipinas. Ito ay tinatawag ding stage show sa Ingles.
A. bodabil
B. duplo
C. karagatan
D. korido
61. Isang epiko tungkol sa kasaysayan ng pag-iibigan ng mga bathala mula sa Iloilo, Antique at Aklan.
A. Hinilawod
B. Biag-ni-Lam-ang
C. Bidasari
D. Maragtas
62. Siya ay kilala bilang ang “dakilang manunulat” ng kilusang propaganda.
A. Graciano Lopez Jaena
B. Jose Rizal
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Gregorio Del Pilar
63. Alin sa mga sumusunod na titik ng Alpabetong Filipino ay isang hiram?
A. y
B. b
C. c
D. ng
64. Anong teorya ng wika ang nagsasabing ang wika ay nailikha bunga ng masidhing damdamin ng tao?
A. Bow-wow
B. Pooh-pooh
C. Ding-dong
D. Yoheho
65. “Katoliko ba ang Santo Papa?” Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng anong uri ng tayutay?
A. Pagdaramdam
B. Tanong Retorikal
C. Pagtanggi
D. Pagsalungat
66. Bakit Tagalog ang siyang napiling batayan ng kauna-unahang wikang pambansa sa Pilipinas?
A. Dahil sa ito ang ginagamit ng mga taga Manila kung saan naman matatagpuan ang kabisera ng Pilipinas.
B. Dahil sa ito ay binubuo ng mga kaakit akit na mga salita at bokabularyo
C. Dahil sa ito ay tinatanggap at ginagamit na ng mas nakararami ng Pilipino.
D. A at C
67. Ilan lahat ang hiram na titik ng Alpabetong Filipino?
A. 6
B. 7
C. 8
D. 9
68. Ano ang naging pangalan ng wikang pambansa noong 1959?
A. Pilipino
B. Filipino
C. Tagalog
D. Wikang Pambansa
69. Isang awiting bayan na ginamit sa pagpapatulog ng bata.
A. diona
B. oyayi
C. soliranin
D. umbay
70. “Ang palasyo ay nag-anunsyo na walang pasok bukas.” Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag sa itaas?
A. Pagpapalit-saklaw
B. Pagpapalit-tawag
C. Pagtanggi
D. Pagsalungat
71. “Apat na mga mata ang tumititig sa kanya.” Ano ang tayutay ang ginamit sa pahayag na ito?
A. Pagpapalit-saklaw
B. Pagpapalit-tawag
C. Pagtanggi
D. Pagsalungat
72. “San ba siya nakatira?” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit?
A. kolokyal
B. pambansa
C. balbal
D. lalawiganin
73. Ang “Maupay na Aga!” ng mga taga Samar ay halimbawa ng anong antas ng wika? A. kolokyal
B. pambansa
C. balbal
D. lalawiganin
74. Ang “Hindi po namin kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ay mga tanyag na pahayag ni Mike Enriquez sa telebisyon. Sa anong barayti ng wika ito naiuuri?
A. Jargon
B. Dayalekto
C. Sosyolek
D. Idyolek
75. “Neneng ang pangalan ng aking ermat.” Ano ang antas ng wikang nakasalangguhit? A. kolokyal
B. pambansa
C. balbal
D. lalawiganin
76. Ano ang tamang ispeling ng salitang barbershop sa Filipino?
A. barbersyap
B. barbershop
C. barbershap
D. barbersiyap
77. Isang kwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban at kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa.
A. pabula
B. parabula
C. mitolohiya
D. anekdota
78. Isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may pambihirang katangian.
A. epiko
B. pabula
C. parabula
D. dalit
79. Alin sa apat na uri ng akdang pampanitikan na patula ay tungkol sa pangangatwiran at tagisan ng talino?
A. tulang pasalaysay
B. tulang patnigan
C. tulang padula
D. tulang liriko
80. “Ikaw ang aking mahal”. Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. payak
B. tambalan
C. karaniwan
D. di-karaniwan
81. Ang may-akda ng “Kahapon, Ngayon at Bukas”?
A. Aurelio Tolentino
B. Juan Abad
C. Alejandro Abadilla
D. Severino Reyes
82. Siya ang sumulat ng dulang ang “Tanikalang Ginto” na kung saan inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang itinatanghal ang dulang ito at dinakip ang may-akda.
A. Aurelio Tolentino
B. Juan Abad
C. Alejandro Abadilla
D. Severino Reyes
83. Ang mga sumusunod ay mga nobela ni Lualhati Bautista MALIBAN sa______.
A. Dekada ‘70
B. Satanas sa Lupa
C. Gapo
D. Bulaklak ng City Jail
84. Isang batikan at kilalang feministang manunulat na kung saan ang kanyang akda ay nakapokus sa mga kababaihan. Siya ang may-akda ng “Bata, Bata, Paano ka Ginawa?”
A. Estrella Alfon
B. Lualhati Bautista
C. Fausto Galauran
D. Gervacio Santiago
85. Ito ay isang kwento tungkol sa pagpapadala ng prinsipe sa kanyang kapatid na lalaki upang patayin ang mga halimaw sa kabilang bundok. Ito ang tinaguriang alamat ng Mindanao.
A. Alim
B. Hudhud
C. Indarapatra at Sulayman
D. Wala sa Nabanggit
86. Handa ng lumisan ang taong “amoy lupa” nang malaman niyang nasa maayos na nakalagayan ang mga anak nito.Ang pariralang “amoy lupa” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
A. kolokyal
B. pambansa
C. balbal
D. pampanitikan
87. Isang epiko ng mga bisaya na tungkol sa kalipunan ng mga kautusan ng pamahalaan. Gaya ng “Kodigo ni Kalantiyaw” ng tribu ng Aklan.
A. Bantugan
B. Lagda
C. Bidasari
D. Darangan
88. Siya ang may-akda ng dulang ang “Dalagang Bukid”.
A. Hermogenes Ilagan
B. N.V.M. Gonzalez
C. Alejandro Abadilla
D. Patricio Mariano
89. Sino ang may-akda ng Fray Botod?
A. Jose Garcia Villa
B. Graciano Lopez Jaena
C. Marcelo del Pilar
D. Jose Rizal
90. Isang awiting bayan na tungkol sa paglilibing.
A. umbay
B. kundiman
C. sambotani
D. soliranin
91. Alin sa mga sumusunod ay HINDI tulang pasalaysay?
A. Moro-moro
B. Epiko
C. Awit
D. Korido
92. Alin sa mga tula sa ibaba ang isang tulang liriko?
A. Panunuluyan
B. Duplo
C. Pastoral
D. Balagtasan
93. Isang tulang maromansa na kung saan nakaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan at hango sa tunay na buhay.
A. oda
B. awit
C. soneto
D. elehiya
94. Alin sa mga sumusunod ang HINDI epiko ng Bisaya?
A. Lagda
B. Maragtas
C. Bidasari
D. Hinilawod
95. Ang tinaguriang pinakasikat na epiko ng mga Ilokano.
A. Ibalon at Aslon
B. Bantugan
C. Hinilawod
D. Biag ni Lam-ang
96. Isang epiko na tungkol sa mga bathalang Ifugao ni Punholdayan at Makanungan. Tinutukoy rito ang pagpapakasal ng magkapatid na Bugan at Wigan.
A. Haraya
B. Alim
C. Hari sa Bukid
D. Lagda
97. Alin sa mga sumusunod ay isang epiko ng mga Ifugao?
A. Ibalon at Aslon
B. Hudhud
C. Biag ni Lam-ang
D. Haraya
98. Isang manunulat sa wikang Kastila na may sagisag panulat na Batikuling at nahirang na Makatang Laureado.
A. Jesus Balmori
B. N.V.M. Gonzalez
C. Alejandro Abadilla
D. Zulueta de Costa
99. Ang kauna-unahang nobelang isinulat ng isang Pilipino gamit ang wikang Ingles.
A. The Wound and Stars
B. A Child of Sorrow
C. Like the Molave
D. A Vision of Beauty
100. Isang Cebuano na nakalagay na pinaka pangunahing manunulat na babae sa Ingles bago makadigma.
A. Estrella Alfon
B. N.V.M. Gonzalez
C. Dolores Manapat
D. Jomapa
0 Comments